Add parallel Print Page Options

Ang Pangitain Tungkol kay Josue na Punong Pari

Ipinakita sa akin ng Panginoon ang punong pari na si Josue na nakatayo sa harapan ng anghel ng Panginoon. Nakatayo naman sa gawing kanan niya si Satanas upang paratangan siya.[a] Pero sinabi ng anghel ng Panginoon kay Satanas, “Ayon sa Panginoon na pumili sa Jerusalem, mali ka Satanas. Sapagkat ang taong ito na si Josue ay iniligtas niya sa pagkakabihag katulad ng panggatong na inagaw mula sa apoy.”

Marumi ang damit ni Josue habang nakatayo siya sa harapan ng anghel.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:1 Pinaratangan ni Satanas ang punong pari na si Josue pati ang mga kapwa nito Israelita dahil sa kanilang mga kasalanan, at inaakala ni Satanas na hindi na kaaawaan ng Panginoon ang mga ito.