Add parallel Print Page Options

16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ako'y nagbalik sa Jerusalem na may taglay na mga pagkahabag; ang aking bahay ay matatayo (A)roon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at (B)isang pising panukat ay mauunat sa ibabaw ng Jerusalem.

17 Humiyaw ka pa uli, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang aking mga bayan ay sasagana dahil sa pagkasulong; at (C)aaliwin pa ng Panginoon ang Sion, at (D)pipiliin pa ang Jerusalem.

18 At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita, at, narito, ang (E)apat na sungay.

Read full chapter