Add parallel Print Page Options

Ang mga kayamanan ninyo ay nangabulok. Ang mga damit ninyo ay kinain ng tanga. Ang inyong mga ginto at pilak ay kinalawang. Ang mga kalawang na ito ang magiging patotoo laban sa inyo at siyang kakain sa inyong mga laman tulad ng apoy. Kayo ay nag-imbak ng kayamanan para sa mga huling araw. Narito, ipinagkait ninyong may pandaraya ang mga upa ng mga manggagawang gumapas sa inyong mga bukirin. Ang kanilang mga upa ay umiiyak. Ang iyak ng mga mangga­gawang gumapas ay narinig ng Panginoon ng mga hukbo.

Read full chapter