Add parallel Print Page Options

11 Sila ay nilupig nila sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at sa pamamagitan ng salita ng kanilang mga patotoo. Hindi nila minahal ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan. 12 Dahil dito, magalak kayong mga langit at kayong mga nananahan sa langit. Kaabahan sa inyo na nananahan sa lupa at sa dagat sapagkat ang diyablo ay bumaba na sa inyo. Siya ay may matinding poot dahil alam niyang maikli na ang kaniyang panahon.

13 Nang makita ng dragon na inihagis siya ng Diyos salupa, inusig niya ang babae na nagsilang ng batang lalaki.

Read full chapter