Nehemias 2:17-19
Ang Biblia (1978)
17 Nang magkagayo'y sinabi ko sa kanila, Inyong nakikita ang masamang kalagayan na kinaroroonan natin, kung paanong ang Jerusalem ay guho at ang mga pintuang-bayan nito ay nasunog sa apoy: kayo'y parito, at ating itayo ang kuta ng Jerusalem, upang tayo'y huwag nang maging (A)kadustaan.
18 At isinaysay ko sa kanila ang (B)kamay ng aking Dios na naging mabuti sa akin, at gayon din ang mga salita ng hari na sinalita niya sa akin. At kanilang sinabi, Magbangon tayo at magtayo. Sa gayo'y kanilang (C)pinalakas ang kanilang mga kamay sa mabuting gawa.
19 Nguni't nang mabalitaan ni Sanballat na Horonita, at ni Tobias na lingkod, na Ammonita, at ni (D)Gesem na taga Arabia, ay kanilang tinawanang mainam kami, at hinamak kami, at sinabi, Ano itong bagay na inyong ginagawa? (E)manghihimagsik ba kayo laban sa hari?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978