Add parallel Print Page Options

14 Ngunit tumanggi si Juan. Sinabi niya: Ako ang dapat mong bawtismuhan. Bakit ka magpapabawtismo sa akin?

15 Sumagot si Jesus sa kaniya: Pumayag ka nang mangyari ito ngayon sapagkat nararapat nating tuparin ang lahat ng katuwiran sa ganitong kaparaanan. Nang magka­gayon, pumayag na si Juan.

16 Nang mabawtismuhan na si Jesus, kaagad siyang umahon mula sa tubig. Narito, ang mga langit ay nabuksan sa kaniya. Nakita ni Juan ang Espiritu ng Diyos na bumababang tulad ng isang kalapati at lumapag kay Jesus.

Read full chapter