Add parallel Print Page Options

Huwag mong pabayaang magkasala ka dahil sa iyong pananalita, mangangako ka at pagkatapos ay babawiin mo. Sa ganyan galit na galit ang Diyos. Kung magkagayon, hindi ka niya pagpapalain sa anumang iyong ginagawa. Kaya, gaano man kadalas ang iyong panaginip, gaano man karami ang walang kabuluhan[a] mong salita at gawa, magkaroon ka ng takot sa Diyos.

Ang Buhay ay Walang Kabuluhan

Huwag kang magtataka kung makita mong ang mahihirap ay inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Alalahanin mong ganoon din ang ginagawa ng nakatataas sa kanila at bawat pinuno ay may nakasasakop ding mas mataas na pinuno.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mangangaral 5:7 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan.