Font Size
Levitico 19:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Levitico 19:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 “Huwag(A) ninyong dadayain o pagnanakawan ang inyong kapwa. Huwag ninyong ipagpapabukas ang pagpapasweldo sa inyong mga manggagawa. 14 Huwag(B) ninyong mumurahin ang mga bingi at lalagyan ng katitisuran ang daraanan ng mga bulag. Matakot kayo sa Diyos. Ako si Yahweh.
15 “Huwag(C) kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang mahihirap o kaya'y katatakutan ang mayayaman. Humatol kayo batay sa katuwiran.
Read full chapter