Add parallel Print Page Options

17 Sinabi sa kanila ni Jesus: Ang aking Ama ay gumagawa hanggang ngayon at ako ay guma­gawa. 18 Dahil dito ay lalo ngang naghanap ng pagkaka­taon ang mga Judio na patayin siya. Ito ay sapagkat hindi lamang niya nilabag ang araw ng Sabat kundi tinawag pa niyang sariling Ama ang Diyos, na ipinapantay ang kaniyang sarili sa Diyos.

19 Tumugon nga si Jesus at sinabi sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hindi makakagawa ng anuman ang Anak sa kaniyang sarili malibang makita niya ang ginagawa ng Ama sapagkat anumang mga bagay na ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak. 20 Ito ay sapagkat mahal ng Ama ang Anak at ipinapakita niya sa kaniya ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa. At higit na dakilang mga gawa kaysa sa mga ito ang ipapakita niya sa kaniya upang kayo ay mamangha. 21 Ito ay sapagkat kung papaanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at binubuhay sila, gayundin binubuhay ng Anak ang nais niyang buhayin. 22 Ito ay sapagkat ang Ama ay hindi humahatol sa sinuman ngunit ibinigay niya ang lahat ng paghatol sa Anak. 23 Ito ay upang parangalan ng lahat ang Anak kung papaano nila pinarangalan ang Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kaniya.

24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang dumirinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Siya ay hindi na hahatulan kundi lumipat na mula sa kamatayan patungo sa buhay. 25 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang oras ay darating at ito ay ngayon na. Sa oras na iyon ay maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos. Sila na nakarinig ay mabubuhay. 26 Ito ay sapagkat kung papaanong ang Ama ay mayroong buhay sa kaniyang sarili ay gayundin pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili.

Read full chapter