Font Size
Isaias 22:14-16
Ang Biblia, 2001
Isaias 22:14-16
Ang Biblia, 2001
14 Ipinahayag ng Panginoon ng mga hukbo ang kanyang sarili sa aking mga pandinig:
“Tunay na ang kasamaang ito ay hindi ipatatawad sa inyo hanggang sa kayo'y mamatay,”
sabi ng Panginoong Diyos ng mga hukbo.
Babala Laban kay Sebna
15 Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos ng mga hukbo, “Ikaw ay humayo, pumaroon ka sa katiwalang ito, sa Sebna, na siyang katiwala sa bahay, at iyong sabihin sa kanya:
16 Anong karapatan mo rito? Sinong mga kamag-anak mo rito at gumawa ka rito ng isang libingan para sa iyo? Gumagawa ka ng libingan sa itaas, at umuukit ka ng tahanan para sa iyong sarili sa malaking bato!
Read full chapter