Add parallel Print Page Options

Nananabik ang Panginoon sa naliligaw niyang bayan.

11 (A)Nang bata pa ang Israel, aking minahal siya, at (B)tinawag kong aking anak mula (C)sa Egipto.

Lalo (D)silang tinawag ng mga propeta, ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila: sila'y nangaghahain (E)sa mga Baal, at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan.

Gayon ma'y aking tinuruan ang Ephraim (F)na lumakad; (G)aking kinalong sila sa aking mga bisig; nguni't hindi nila kinilala na aking pinagaling sila.

Akin silang pinatnubayan (H)ng mga tali ng tao, ng mga panali ng pag-ibig; at ako'y naging sa kanila'y parang nagaalis ng paningkaw sa kanilang mga panga; at ako'y naglagay ng pagkain sa harap nila.

Sila'y hindi babalik sa lupain ng Egipto; (I)kundi ang taga Asiria ay magiging kanilang hari, sapagka't sila'y nagsisitangging manumbalik sa akin.

At ang tabak ay lalagak sa kanilang mga bayan, at susupukin ang kanilang mga halang, at lalamunin sila, (J)dahil sa kanilang sariling mga payo.

At ang aking bayan ay mahilig ng pagtalikod sa akin: bagaman kanilang tinatawag siya na nasa itaas, walang lubos na magtataas sa kaniya.

(K)Paanong pababayaan kita, Ephraim? paanong itatakuwil kita, Israel? (L)paanong gagawin kitang parang Adma? paanong ilalagay kitang parang (M)Zeboim? ang aking puso ay nabagbag sa loob ko, ang aking mga habag ay nangagalab.

Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: (N)sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.

10 Sila'y magsisilakad ng ayon sa Panginoon, na siyang uungal, na parang leon; sapagka't (O)siya'y uungal, at ang mga anak ay magsisidating na nanginginig na (P)mula sa kalunuran.

11 Sila'y darating na nanginginig na parang ibon na mula sa Egipto, at parang kalapati na mula sa lupain ng Asiria; (Q)at aking patatahanin sila sa kanilang mga bahay, sabi ng Panginoon.

12 Kinukulong ako ng Ephraim ng kabulaanan sa palibot, at ng sangbahayan ni Israel sa pamamagitan ng daya; nguni't ang Juda'y nagpupuno pang kasama ng Dios, at tapat na kasama ng Banal.

Ang pagkaidolatria ng Ephraim ay tinutulan.

12 Ang Ephraim (R)ay kumakain ng hangin, at sumusunod sa hanging silanganan: siya'y laging (S)nagpaparami ng mga kabulaanan at kasiraan; at sila'y nakikipagtipan sa Asiria, at ang langis ay dinadala sa Egipto.

Ang Panginoon ay may pakikipagkaalit din sa Juda, at parurusahan niya ang Jacob ayon sa kaniyang mga lakad; ayon sa kaniyang mga gawa ay gagantihan niya siya.

Sa bahay-bata ay (T)kaniyang hinawakan sa sakong ang kaniyang kapatid; at sa kaniyang kabinataan ay (U)nagtaglay ng kapangyarihan ng Dios:

Oo, siya'y nagtaglay ng kapangyarihan sa anghel, at nanaig: siya'y tumangis, at namanhik sa kaniya: nasumpungan niya siya sa (V)Beth-el, at doo'y nakipagsalitaan siya sa atin.

Sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo; ang Panginoon ay (W)kaniyang alaala.

Kaya't magbalik-loob ka sa iyong Dios magingat ka ng kaawaan at ng kahatulan, at hintayin mong lagi ang iyong Dios.

Mangangalakal siya na may timbangang magdaraya sa kaniyang kamay: maibigin ng pagpighati.

At sinabi ng Ephraim, (X)Tunay na ako'y naging mayaman, ako'y nakasumpong ng kayamanan; sa lahat ng aking gawin, walang masusumpungan sila sa akin na kasamaan,

Nguni't ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto, akin (Y)pa kitang patatahanin uli sa mga tolda, gaya sa mga kaarawan ng takdang kapistahan.

10 Ako rin naman ay nagsalita sa mga propeta, at ako'y nagparami ng mga pangitain; at sa pangangasiwa ng mga propeta ay gumamit ako ng mga talinhaga.

11 Ang Galaad baga'y kasamaan? sila'y pawang walang kabuluhan; sa Gilgal ay nangaghahain sila ng mga toro; oo, ang kanilang dambana ay parang mga bunton sa mga bungkal ng bukid.

12 At si Jacob ay (Z)tumakas na napatungo sa parang ng Aram, at (AA)naglingkod si Israel dahil sa isang asawa, at dahil sa isang asawa ay nagalaga ng mga tupa.

13 (AB)At sa pamamagitan ng isang propeta ay (AC)isinampa ng Panginoon ang Israel mula sa Egipto, at sa pamamagitan ng isang propeta, siya'y naingatan.

14 Ang Ephraim ay namungkahi ng di kawasang galit: kaya't ang kaniyang dugo ay maiiwan sa kaniya, at ibabalik ng kaniyang Panginoon sa kaniya ang kakutyaan sa kaniya.

Binigyan ng mga babala.

13 Nang magsalita ang Ephraim, ay nagkaroon ng panginginig; siya'y nagpapakalaki sa kaniyang sarili sa Israel; nguni't nang (AD)siya'y magkasala tungkol kay Baal ay namatay siya.

At ngayo'y nangagkasala sila ng higit at higit, at nagsigawa sila ng mga larawang binubo sa kanilang pilak, mga diosdiosan na ayon sa kanilang unawa, lahat ng yaon ay gawa ng manggagawa: sinasabi nila tungkol sa mga yaon; Magsihalik sa mga guya ang mga tao na nangaghahain.

Kaya't sila'y magiging parang ulap sa umaga, at parang hamog na nawawalang maaga, na (AE)gaya ng dayami na tinatangay ng ipoipo mula sa giikan, at (AF)parang usok na lumalabas sa Chimenea:

Gayon ma'y ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto; at wala kang makikilalang Dios kundi ako, at liban sa akin (AG)ay walang tagapagligtas.

Nakilala kita (AH)sa ilang, (AI)sa lupain ng malaking katuyuan.

Ayon sa pastulan sa kanila, gayon sila nangabusog; (AJ)sila'y nangabusog, at ang kanilang puso ay nagmalaki: kaya't kinalimutan nila ako.

Kaya't ako'y magiging parang leon sa kanila; parang leopardo na ako'y magbabantay sa tabi ng daan;

Aking sasalubungin sila na gaya ng oso na ninakawan ng kaniyang mga anak, at aking babakahin ang lamak ng kanilang puso; at doo'y lalamunin ko sila ng gaya ng leon; lalapain sila ng mabangis na hayop.

Siyang iyong kapahamakan (AK)Oh Israel, (AL)na ikaw ay laban sa akin, laban sa iyong katulong.

10 Saan nandoon ngayon ang iyong hari upang mailigtas ka niya sa lahat ng iyong bayan? at ang iyong mga hukom, na (AM)iyong pinagsasabihan, Bigyan mo ako ng hari at mga prinsipe?

11 Aking binigyan ka ng (AN)hari sa aking kagalitan, at inalis ko siya sa aking poot.

12 Ang kasamaan ng Ephraim ay nababalot; ang kaniyang kasalanan ay nabubunton.

13 Ang mga kapanglawan ng nagdaramdam na babae ay dadanasin niya: siya'y hindi pantas na anak; sapagka't panahon na hindi sana siya marapat maghirap (AO)sa pagwawaksi ng mga yaon.

14 Aking tutubusin sila mula sa kapangyarihan ng Sheol; aking tutubusin sila mula sa kamatayan. (AP)Oh kamatayan, saan nandoon ang iyong mga salot? Oh Sheol, saan nandoon ang iyong kasiraan? (AQ)pagsisisi ay malilingid sa aking mga mata.

15 Bagaman siya'y mabunga sa kaniyang mga kapatid, isang hanging silanganan ay (AR)darating, ang hinga ng Panginoon ay umiilanglang mula sa ilang; at ang kaniyang tipunan ng tubig ay magiging tuyo, at ang kaniyang bukal ay matutuyo: kaniyang sasamsamin ang kayamanan ng lahat na maligayang kasangkapan.

16 Tataglayin ng Samaria ang kaniyang sala; sapagka't siya'y nanghimagsik laban sa kaniyang Dios: (AS)sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin at ang kanilang mga nagdadalang tao ay paluluwain ang bituka.

Ang Israel ay sinamo upang magbalik sa Panginoon.

14 Oh Israel, manumbalik ka sa (AT)Panginoon mong Dios; sapagka't ikaw ay nabuwal dahil sa iyong kasamaan.

Magpahayag kayo na may pagsisisi, at magsipanumbalik kayo sa Panginoon: sabihin ninyo sa kaniya, Alisin mo ang boong kasamaan, at tanggapin mo ang mabuti: sa gayo'y aming ilalagak na parang (AU)mga toro ang handog ng aming mga labi.

Hindi (AV)kami ililigtas ng Asiria; kami ay (AW)hindi sasakay sa mga kabayo; ni magsasabi pa man kami sa gawa ng aming mga kamay, Kayo'y aming mga dios; (AX)sapagka't dahil sa iyo'y nakakasumpong ng kaawaan ang ulila.

Aking gagamutin ang kanilang pagtalikod, (AY)akin silang iibiging may kalayaan; sapagka't ang aking galit ay humiwalay sa kaniya.

Ako'y (AZ)magiging parang hamog sa Israel: siya'y bubukang parang lila, at kakalat ang kaniyang ugat na parang Libano.

Ang kaniyang mga sanga ay magsisiyabong, at ang kaniyang kagandahan ay magiging parang puno ng olibo, at ang kaniyang bango ay parang Libano.

(BA)Silang nagsisitahan sa kaniyang lilim ay manunumbalik; sila'y mangabubuhay uling gaya ng trigo, at mangamumulaklak na gaya ng puno ng ubas: at ang amoy ay magiging gaya ng alak ng Libano.

Sasabihin ng Ephraim, Ano pa ang aking gagawin sa mga dios-diosan? Ako'y sasagot, at aking hahalatain siya: ako'y parang sariwang abeto; (BB)mula sa akin ay nasusumpungan ang iyong bunga.

Sino (BC)ang pantas, at siya'y makakaunawa ng mga bagay na ito? at mabait, at kaniyang mangalalaman? (BD)sapagka't ang mga daan ng Panginoon ay matutuwid, at lalakaran ng mga ganap; nguni't kabubuwalan ng mga mananalangsang.