Add parallel Print Page Options

17 Mga kapatid, magkaisa kayo sa pagtulad sa akin. Pagmasdan ninyo ang mga lumalakad ayon sa halimbawang nakikita ninyo sa amin. 18 Ito ay sapagkat madalas kong sinasabi sa inyo, at ngayon sasabihin ko sainyong muli na may pagluha, na marami ang lumalakad, na sila ang mga kaaway ng krus ni Cristo. 19 Ang kahihinatnan nila ay kapahamakan. Ang diyos nila ay ang kanilang tiyan. Ang kanilang kaluwalhatian ay ang mga bagay na dapat nilang ikahiya. Ang kanilang kaisipan ay nakatuon sa mga bagay na panlupa.

Read full chapter