Add parallel Print Page Options

At tumayo sa malayo ang kaniyang (A)kapatid na babae, upang maalaman ang mangyayari sa bata.

At ang anak na babae ni Faraon ay lumusong upang maligo sa ilog; at nagsipaglakad ang kaniyang mga abay sa tabi ng ilog; at kaniyang nakita ang takba sa katalahiban, at ipinakuha sa kaniyang abay.

At kaniyang binuksan, at nakita niya ang bata: at narito, ang sanggol ay umiyak. At kaniyang kinaawaan at sinabi, Ito'y isa sa mga anak ng mga Hebreo.

Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang kapatid na babae sa anak ni Faraon, Yayaon ba ako at itatawag kita ng isang sisiwa sa mga babaing Hebrea, na makapagalaga sa iyo ng batang ito?

At sinabi sa kaniya ng anak ni Faraon, Yumaon ka. At ang dalaga ay yumaon, at tinawag ang ina ng bata.

At sinabi ng anak ni Faraon, sa kaniya, Dalhin mo ang batang ito, at alagaan mo sa akin, at bibigyan kita ng iyong kaupahan. At kinuha ng babae ang bata, at inalagaan.

10 At ang bata ay lumaki, at kaniyang dinala sa anak ni Faraon, at siya'y kaniyang (B)inaring anak. At kaniyang pinanganlang Moises,[a] at sinabi, Sapagka't aking sinagip siya sa tubig.

Read full chapter

Footnotes

  1. Exodo 2:10 Sinagip.