Add parallel Print Page Options

Huwag bayaan ang iyong bibig, na papagkasalanin ang iyong laman; (A)at huwag ka mang magsabi sa harap ng anghel, na isang kamalian: bakit nga magagalit ang Dios sa iyong tinig, at sisirain ang gawa ng iyong mga kamay?

Sapagka't sa karamihan ng mga panaginip ay may kawalangkabuluhan, at sa maraming mga salita: nguni't matakot ka sa Dios.

Kung iyong nakikita ang (B)kapighatian ng dukha, at ang karahasang pagaalis ng kahatulan at kaganapan sa isang lalawigan, huwag mong kamanghaan ang bagay: sapagka't ang lalong (C)mataas kay sa mataas ay nagmamasid; at may lalong mataas kay sa kanila.

Read full chapter