Add parallel Print Page Options

Tatlong linggo na rin akong hindi kumain ng anumang masarap na pagkain, ni tumikim man lamang ng karne o alak. Ni hindi ako naglagay ng langis sa aking ulo. Noong ikadalawampu't apat na araw ng unang buwan, habang nakatayo ako sa pampang ng malaking Ilog Tigris, tumingala(A) ako at may nakita akong isang lalaking nakadamit ng telang lino at may sinturong yari sa lantay na ginto.

Read full chapter