Add parallel Print Page Options

Siya'y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay ng nakaluklok sa trono.

Pagkakuha(A) niya sa aklat, ang apat na nilalang na buháy at ang dalawampu't apat na matatanda ay nagpatirapa sa harapan ng Kordero, na ang bawat isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na punô ng insenso, na siyang mga panalangin ng mga banal.

At(B) sila'y nag-aawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi,

“Ikaw ay karapat-dapat na kumuha sa aklat
    at magbukas ng mga tatak nito,
sapagkat ikaw ay pinatay, at sa pamamagitan ng iyong dugo ay binili mo para sa Diyos
    ang mga tao mula sa bawat lipi, wika, bayan, at bansa.

Read full chapter