Add parallel Print Page Options

Ang Pangitain tungkol kay Josue

Ipinakita(A) sa akin ni Yahweh ang pinakapunong paring si Josue na nakatayo sa harapan ng anghel ni Yahweh. Siya ay paparatangan ni Satanas na noo'y nasa kanyang kanan. Sinabi(B) ng anghel ni Yahweh kay Satanas,[a] “Hatulan ka nawa ni Yahweh, Satanas. Hatulan ka nawa ni Yahweh na pumili sa Jerusalem. Ang taong ito ay gaya ng isang patpat na inagaw sa apoy.”

Nakatayo si Josue sa harapan ng anghel at ang suot ay maruming damit.

Read full chapter

Footnotes

  1. Zacarias 3:2 SATANAS: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito'y “Kaaway” o kaya'y “tagapagparatang”.