Add parallel Print Page Options

25 Na siyang inilagay ng Dios (A)na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa (B)kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga (C)kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios;

26 Sa pagpapakilala'y aking sinasabi, ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang siya'y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo.

27 (D)Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito'y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya.

Read full chapter