Pahayag 5:7-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
7 Lumapit ang Tupa sa trono at kinuha niya ang kasulatan sa kanang kamay ng nakaupo roon. 8 Nang kunin niya iyon, lumuhod sa harap ng Tupa ang apat na buhay na nilalang at ang 24 na namumuno at sumamba sa kanya. Ang bawat isa sa kanila ay may hawak na gintong sisidlan na puno ng insenso, na siyang panalangin ng mga pinabanal.[a] May alpa[b] rin silang tinutugtog, 9 at umaawit sila ng bagong awit na ito:
“Kayo po ang karapat-dapat na kumuha ng kasulatan at magtanggal ng mga selyo nito,
dahil kayo ay pinatay, at sa pamamagitan ng inyong dugo ay tinubos nʼyo ang mga tao para sa Dios.
Ang mga taong ito ay mula sa bawat angkan, wika, lahi, at bansa.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®